Kuwento
- Sage Tapales
- Dec 11, 2015
- 2 min read
O aking pinakamamahal na Ibarra. Ang puso ko'y nakalaan para lamang sa iyo at walang sino man."
Disyembre, Sa Pambansang Paliparang ni Ninoy Aquino ay bumaba mula sa eroplano ang isang kapitapitagang ginoo na nag ngangalang Simoun. Isa siyang tanyag na alahero na dumayo sa Pilipinas upang magbenta ng kanyang mga hiyas. Ang ginoo ay nakasuot ng itim na polo na naka pulang kurbata, itim na pantalon at sapatos. Ang kanyang mga mata nama'y natatakpan ng isang salaming bilog na may kulay. Sumakay si Simoun sa isang itim na kotse.
"Saan niyo po gustong makarating." sabi ng binatang nag mamaneho ng itim na kotse.
"Dalhin mo ko sa "Loyola Memorial Park, sa Marikina. May dadalawin lang ako." tugon ni Simoun.
Habang siya ay bumibiyahe ay napansin niya na marami nang nag bago sa Pilipinas, Madami nang mga gusali ang naipatayo at nagsiramihan nadin ang mga nagmamaneho ng mga sasakyan, mapa jeep, bus o tricycle man.
"Ginoong Simoun. Narito na po tayo." Sabi ng binata.
Bumaba si Simoun sa itim na kotse, lumakad ng kauntihanggang matagpuan niya kung saan nakahimlay ang katawan si Sisa. Maya-maya ay may isang binatang lumapit sa kanya, ito'y nakasuot ng unipormeng pang medisina na nag ngangalang Basilio. Ang anak ni Sisa . Ito'y tumingin sa kanya, sinusuri at kinikilalang maigi ang bawat detalye ng kanyang mukha. Hanggang sa lubusang niyang nakilala ang Ginoo.
"Ikaw si Ginoong Crisostomo Ibarra, H-hinde bat patay ka na? At anong ginagawa mo sa harap ng puntod ng aking Ina? Ang iyong pananamit ay nag iba nadin." Hinde makapaniwalang tanong ni Basilio.
Sa kalagayang iyon ay nagulat si Simoun at ang unang pumasok sa kanyang isipan na palihim na patayin si Basilio, sa takot na baka ang kanyang lihim ay mabunyag. Ngunit sa kabilang dako nama'y maisip niya na magagamit niya ang binata sa kanyang mga plano.
"Kamusta Basilio. Binata kana. Nakita ko sa ayos ng iyong pananamit na ika'y nag aaral ng kursong medesina." Ang sabi ni Simoun kay Basilio.
"Hinde mo pa sinasagot ang aking mga katanungan ginoong Ibar-." Pinutol ni Simoun ang dapat na sasabihin ni Basilio.
"Patay na si Crisostomo Ibarra. Ako na ngayon si Simoun, Ang Alahero. Isang negosyanteng mag tatayo ng kompanya dito sa Manila. Basilio. Hinde ka ba na naiinis kung paanong ang sistemang ipinapairal ng iyong sakin na tagapangasiwa? Nais mo bang sumali sa akin?" Tanong ni Simoun kay Basilio.
"Ginoong Simoun, Akin munang tatangihan ang iyong inaalok sapagkat ang gusto ko lamang sangayon ay bigyang pansin ang aking pag aaral at makatapos ng kolehiyo." Sagot ni Basilio.
Iniligay ni Basilio ang mga rosas sa harap himlayan ng kanyang pinakamamahal na Ina at siya'y nag paalam kay Simoun
"Hanggang sa muli nating pag kikita Ginoo."
Comments