top of page
Search

Kahapon at Ngayon

  • Rafael Litam
  • Dec 10, 2015
  • 1 min read

Ang El Filibusterismo ay ginawa ni Dr. Jose Rizal at ang kasunod ng Noli Me Tangere. Sa panahon natin ngayon, ang mga problema na ipinapakita ni Rizal sa El Filibusterismo ay makikita pa rin ngayon. Ang isang ipinapakita ni Rizal sa atin ay paano sila nabubuhay dati at ano ang mga ginagawa ng mga tao. Ang isang ginagawa ng tao dati ay nakikipag kaibigan sa mga taong malakas para lamang magamit sila, nakikita pa rin ito ngayon lalo na sa politiko dahil kailangan ng mga taga-politiko na malakas na mga kaibigan para mas madami silang taga-supporta at para mas lalong makinig at paniwalaan sila ng mga tao. Pinapakita rin ni Rizal na may mga iba't ibang uri ng tao dati.

Ang mga mayaman, ang mga taong may posisyon, ang mga taong nasa gitna hindi mayaman at hindi rin mahirap, at ang mga mahirap. Parang kapitalismo lang nung panahon ni Rizal, yung mga mayaman at ang mga taong may posisyon ay lalong yumayaman at lumalakas at ang mga taong mahirap ay lalong humi hirap parang sa kuwento si Kabesang Tales, nakita ng prayle na maganda ang lupa ni Kabesang Tales kaya binigyan ng prayle ng buwis si Kabesang Tales at palagi niya pinapataas hanggat sa hindi na niya kaya bayaran ito at pag hindi na niya mabayaran ang buwis, kilangan na niya ibigay ang lupa sa prayle. At ang mga tao na gustong tumakbo para sa politiko o gustong makuha ang gusto nila para lang sa sarili, gagawin nila ang lahat para lamang makuha ang gusto nila kahit may madamay gagawin pa rin nila basta lang makuha ang gusto nila.

image source: http://www.filipiknow.net/wp-content/uploads/2015/05/Death-Penalty-in-Precolonial-Philippines.jpg


 
 
 

Comments


RECENT POSTS:
SEARCH BY TAGS:

© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round
bottom of page